ANG IPINAGBABAWAL NA GAMOT O MAS KILALA BILANG DROGA
Ipinagbabawal na gamot o maskilala bilang "DRUGS" O DROGA.
MGA DAHILAN NG MGA TAO NG PAGGAMIT NG DROGA
Una na dito ang kawalan o kakulangan ng atensyon mula sa magulang o tinatawag nilang kanilang kapamilya. Naghahanap sila ng atensyon mula sa kanilang kaibigan o barkada na siyang magtutulak sa kanila para gumamit ng droga. At sa pakikisama at matatawag na kaisa nila, sila ay mapipilitang subukan na rin.
Pangalawa, sobrang depresyon o kalungkutan bunga ng paghihiwalay, pagkawala ng minamahal, pagkabigo at pagbagsak ng kabuhayan. Naghahanap sila ng kanilang mapaglilibangan o mapagbabalingan, para makamit nila ang panandaliang paglimot sa kanilang nararamdamang labis na kalungkutan o pagkabigo.
Pangatlo, hindi nakikinig sa payo ng mga magulang. Ito ay patungkol sa mga kabataan kung saan marami sa kanila ang nasisira ang buhay dahil sa droga o bawal na gamot. Kahit anong pangaral mula sa magulang o mahal sa buhay pilit nila itong sinusuway at pinaiiral ang katigasan ng ulo. At kadalasan natatanto din nilang ang pagsisisi ay nasa bandang huli.
At kung ang tinutukoy dito ay droga o gamot na inirereseta ng mga doktor, ang pangunahing dahilan ng paggamit nito ay para sa pagpapagaling ng mga taong may sakit o karamdaman.
Ito naman ang epekto ng DROGA
Karamihan sa mga nalululong sa droga ngayon ay ang mga taong may mga personal na problema, mga produkto ng pamilyang nagkawatak-watak, pagkabigo, atbp. Akala nila na matatakasan at malimutan nila ang problema sa pamamagitan ng pagiging "high". Ang pagiging "high" ay nakakaragdag lamang sa problema sapagkat may kasabihan na hindi maayos ang isang mali sa isa pang mali. Marami pa namang alternatibong paraan upang malimutan ang problema. Maaaring idaan sa pagbabasa, isports, outing, atbp.
ITO NAMAN ANG ILAN SA MGA BALITA TUNGKOL SA DROGA DITO SA PILIPINAS
-2 driver, positibo sa paggamit ng ilegal na droga
Dalawang driver ng pampasaherong bus ang natuklasang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, batay sa resulta ng tatlong araw na random drug test sa mga terminal, iniulat ng Department of Transportation and Communications (DoTC).
Ayon sa tanggapan ni DoTC Secretary Mar Roxas, tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na papatawan ng karampatang parusa ang mga driver na positibo sa ilegal na droga.
Maaaring sampahan ng kaso, kumpiskahin ang lisensiya, at isailalim sa rehabilitasyon ang dalawang driver.
Naunang nagsagawa ng drug test sa bus terminal sa Pasay City, sa Cubao sa Quezon City at Sampaloc sa Maynila sa National Capital Region, gayundin sa Cebu, Iloilo at Bacolod, bilang bahagi sa programang “Oplan Ligtas na Christmas.”
5 pulis, positibo sa droga
Nanganganib na masibak sa serbisyo ang limang pulis na nagpositibo sa paggamit ng droga sa isinagawang drug test ng Region 9 Police Office sa Davao City.
Ang limang pulis ay kabilang sa 700 operatiba ng Davao City Police na isinailalim noong nakaraang linggo sa drug test bilang bahagi ng kampanya ng pulisya at gobyerno laban sa ilegal na droga.
Mga 'bugok' na pulis-droga, basagin
KA-TATLO ang mga Pinoys sa buong mundo na gumagamit ng shabu. Hindi nakapagtataka sapagkat mayroong 13 transnational drug rings sa bansa at may 175 local drug syndicates. Sa kabuuan, tinatayang may 45,000 drug pushers sa bansa ngayon. Ang bilang na ito ay maaaring kulang pa. Baka may itinatago pa ang mga pulis na bugok na ngayon ay karaniwan nang nasasangkot sa droga. Malaking negosyo ang droga sapagkat madaling pagkakitaan. Pera agad sa isang iglap.
2 driver, positibo sa paggamit ng ilegal na droga
MGA BALITA
MGA BALITA TUNGKOL SA DROGA!